ANG UNANG HARI NG BEMBARAN
Salin ni Venacio L.
Mendiola ng “The First Ruler of Bembaran”
ni Bolawan Manalisig/Lawa
Cali
Noong unang araw, kakaunti ang mga tao sa mundo at marami sa kanila
ang mangmang at walang tao sa kanilang gawain at bagamat di pa umuunlad ang
lugar na ito ay masasabing maganda na. Sa buong Bembaran, kulang lamang na 20 pamilya
ang nasasakop ng Ayonan, si Diwantandaw Gibon.
At sapagkat malapit sa dagat ang Bembaran ang mga alon ay sumasalpok
sa gitna nito. Nababatid ng mga tao na walang kasingganda ang kanilang pook.
Batid nilang ligtas sila sa kanilang mga kaaway pahintulot buhat sa
kinatatakutang tagapayong ispiritwal, si Pinatolo i kilid, ang kakambal na
isipiritu ni Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan at Bembaran. Walang
palagiang anyo ang ispiritung ito. Sa dagat, ito ay buwaya; sa lupa ito ay
isang tarabosaw* at sa himpapawid, ito ay isang garuda.
Isang araw ang mga tao sa Torogan ay nabahala sapagkat napansin nila
na malungkot ang Ayonan. Inanyayahan ni Mabowaya Kaladanan, isa sa mga
nakatatanda, na magpunta s torongan upang tulungan ang Ayonan sa kanyang suliranin.
Nang ang lahat ay naroroon na, nagtanong si Dinaradiya Rogong, isang
iginagalang na pinuno, sa kapulungan kung may nakakaalam sa lugar, na
kasingganda at kasingyaman ng Bembaran, na kung saan may nakatirang prinsesa na
maaaring mapangasawa ni Diwatandaw Gibon. Ang lahat
ay nag-isip sumandali ngunit walang makapagsabi ng ganoong lugar.
Tumayo si Dinaradiya Rogong at iginala ang kanyang paningin sa mga taong
nangakakatipon upang alamin kung ang lahat ng tao roon ay dumalo. Pagkatapos ay
namataan niya ang isang mangingisdang
nakaupong malapit sa pinto at malayo sa karamihan. Tinawag niya ito
at tinanong “Samar, sa lahat ng iyong pangingisda sa iba,t ibang lugar,
nakarating ka na ba sa isang lugar na kasingganda ng Bembaran, na may isang
magandang prinsesa na maipapantay sa ating Ayonan?”
Ngumiti ang mangingisda at nagsalita: “Opo, dato, alam ko ang
ganyang lugar at ito’y di maihahambing sa ganda sa anumang bagay rito. Ito’y
tinatawag na Minango’aw at
ang pangalan ng hari ay Minangondaya a Linog. Ang hari ay may isang
anak na babae na pinangalanang aya Paganay Ba’i, ang pinakamagandang babae sa
pook.”
Nang marinig ng mga tao ang sinabi ng Samar, napagusap–usapan sila.
Marami
ang naniniwala sa kanyang sinabi sapagkat siya’y isang mangingisda
at maaaring nakita
niya ang lugar. Ngunit nagalit si Dinaraduya Ragong sapagkat siya’y
marami ring nalakbay
at kailan man sa kanyang paglalakbay ay hindi siya nakatagpo o
nakarinig ng tungkol dito.
Naisip niyang nagbibiro ang Samar o niloloko sila kaya’t nagbabala
siya: “Mag-ingat ka sa
iyong sinasabi. Nakapaglakbay ako sa maraming lugar at kalian ma’y
di ko narinig ang
ganyang lugar. Mabuti pa’y magsabi ka ng totoo ‘pagkat hahanapin
naming ang lugar na ito,
at parurusahan ka naming kapag hindi naming natagpuan ito.”
Tiningnan ng Samar ang datu at nakita niyang namumula sa galit ang
mukha nito.
Lumundag siyang palabas sa torogan. Nagpunta ang ibang pinuno sa
Dinariya a Rogong at
hinikayat siyang hanapin ang Minago’aw a Rogong. Nang sumunod na
araw, naghanda sila
sa kanilang paglalakbay at nanguha at naghanda ng pagkain at ilang
pangangailangan.
Nang handa na ang lahat, umalis ang pangkat ngunit sa halip na
maglayag sa karagatan,
sila’y naglakbay sa dalampasigan at nagtatanong sa mga tao kung saan
nila matatagpuan
ang Minago’aw. Ngunit wala kahit sinuman ang nakarining sa ganoon
lugar.
*tarabosaw – isang higanteng kumakain ng tao at hayop
garuda – agila
Pagkatapos ng isang buwan paglalayag, nakakita sila, isang madaling
araw, ng
dalawang mangingisdang nag-aaway. Nang halos magpang-abot na ang
dalawa,
nangagsidating ang mga lalaki sa Bembaran at sumigaw si Diwatandaw
Gibon, “Hinto!
Kung kayo’y maglalaban, masasaktan kayo o mamamatay at magdurusa
anuman ang
mangyari. Isipan ninyo ang inyong mga pamilya!” Huminto sa pag-aaway
ang dalawa at
tinanong ng hari kung saan sila nakatira. Sumagot ang isa sa kanila,
“Dato, ako’y taga-
Minango ‘aw.” Nang marinig nila ito, nagalak ang pangkat sapagkat
natapos na ang
kanilang paghahanap.
Inutusan ng Ayonan ang mga mangingisda na lumipat sa kanilang bangka
upang
patnubayan sila sa pagpunta sa kanyang lugar. Sa paglalakbay
pinagtatanong nila ang
mangingisda na kanya naming sinagot sa kanilang kasiyahan. Noong
papalapit na sila sa
bukana ng look, nakiusap ang mangingisda na magpauna sa kanila sa
kanyang sariling
bangka upang ipagbigay-alam sa kanyang hari ang kanilang pagdating
at ibalita sa kanya na
sila’y mga kaibigan, at hindi mga pirata. Pagkalunsad nito,
dali-dali siyang nagtuloy sa
torogan ibinalita sa Ayonan ang tungkol sa mga panauhin. Tinipon ng
hari ang kanyang
mga nasasakupan at napagkasunduan nilang salubungin ang mga panauhin
sa
dalampasigan.
Naghanda ng isang malaking piging ang hari ng Minango’aw para sa
kanyang mga
panauhin. Nag-handa ang mga babae ng masasarap na pagkain. Pagkakain
nag mga
panauhin ay inaliw nila sa pamamagitan ng sayaw kolintang, sagayan
at ang lahat ng uri ng
paligsahan sa pag-wait o sak’ba. Nang matapos na ang lahat ng uri ng
palaro, tumayo at
nangusap ang tagapag-salita ng hari at tinanong ang mga panauhin
kung bakit sila
nakarating sa Minango’aw. Ang kinatawan ng Diwatandaw Gibon ay
tumayo. Sinabi niya
na dinala nila ang kanilang batang hari at magalang na ipinakilala.
Pagkatapos ay nalaman
ng mga tao na ang sadya ng mga panauhin ay upang pakasalan ng Ayonan
ang kanilang
prinsesa.
Tinanggap ang handog at ang paghahanda ay nagsimula. Napakasaya ni
Diwatandaw at ang kasal ay ginanap sa gitna ng kasayahan at labis na
pagpipiyesta.
Namalagi si Diwatandaw Gibon sa Minango’aw ng limang taon at sa
panahong ito’y
nanganak ng dalawang lalaki ang kanyang kabiyak. Hinandugan siya ng
kanyang biyenan
ng korona nito at kapangyarihan. Sa buong panahong naturan, hindi
niya dinalaw ang
Bembaran at nagyon siya’y puno ng malakas na pag-asam at pananabik
na makabalik sa
kanyang lupain. Nilapitan niya ang kanyang biyenan at nagsabi:
“Aking biyenan, kung
pahihintulutan ninyo, nais kong makabalik sa Bembaran. Ibig kong
makita kahit ang damo
ng pook na aking sinilangan.”
Tumango si Minangondaya Linog. “Tama ka. Humayo k.” Pagkatapos ay
tinawagan niya ang kanyang dalawang apo, inakbayan ang bawat isa at
sinabi sa
nakatatanda: “Ikaw ay si Tominaman sa Rogong. Balang araw pupunta ka
sa Bembaran,
ang lugar ng iyong ama. Katungkulan mong paunlarin ang lugar at
pasayahin ang mga tao
ng Bembaran.” Bumaling sa nakababata at sinabi: “Ikaw ay si
Mangondaya Boyisan.
Bilang bunso dapat mong tulungan ang iyong kapatid sa pagpapaunlad
ng Bembaran at
Minango’aw. Humanda ka sa pagtulong at pagtatanggol sa mga tao sa
dalawang lugar na
ito.”
Pagkatapos ay binigyan ng hari ang dalawa niyang apo ng sumusunod na
pamanang
gamit: isang mahiwagang bangka, ang Riramentaw Mapalaw, na lalong
kilala bilang
Rinayong , na nakapaglalayag sa dagat na hindi na kailangan ang
sagwan sapagkat ispiritu
ang nagpapadpad dito. Binigyan rin niya ang mga apo ng isang agong
na pinangalang
Magandiya a Oray. Ito’y minana pa niya sa kanyang lolo, isang
ginintuang agong na kung
pinapalo ay maririnig sa lahat ng lugar ang tunog at kagyat na
matatawag ang lahat ng tao;
at dalawa pang agong: Rogongan a Posaka at Momongara Dayiring.
Tinawag niya ang kanyang anak na si Prinsesa Aya Paganay Ba’i. Nang
lumapit ang
prinsesa at maiharap sa kanya ama, sinabi ng ama sa anak na maaari
siyang magtungo sa
Bembaran kasama ng asawa at mga anak. Pagkatapos ay kanyang
pinayuhan ang anak.
“Anak ko, ang iyong unang katungkulan ay sundin ang iyong asawa at
pangalagaan ang kanyang kalusugan kapakanan. Mahalin mo siya at alaming kapwa
kayo mabuhay
nagkakasundo. Buhayin at mahalin mo ang inyong pamilya at tingnan mo
na sila’y nasa
mabuting kalusugan.
“Ipaglaban mo ang iyong karapatan at ang karapatan ng iyong hari.
Humanda kang
ipagtanggol ang iyong dalawang bansa ng Bembaran at Minango’aw.
Igalang mo ang mga
matatanda at bata. Mahalin mo ang mahihirap at ang mga ulila. Bigyan
mo ng pagkakataon
ang bawat isa na magtagumapy sa buhay. Maging matapat ka sa lahat.
“Kung dumating ang mga panauhin, tanggapin mo silang pantay-pantay
kahit na sila
ay maharlika pa alipin. Turuan mo ng mabubuting bagay ang iyong mga
anak. Lagi mong
tupdin ang anumang pangako. Maging mabuti kang maybahay at
panatilihing mong malinis
ang iyong bahay, sa loob at labas, sa ibaba at itaas, pati ang
bakuran.
Tinapos ng Ayonan ang kanyang pangaral at hinati ang kanyang
ari-arian sa dalawa.
Kalahati ang ibinigay niya sa anak niyang prinsesa sa kanyang
pag-alis. Dinala ni
Diwatandaw Gibon ang kanyang mag-anak at ang lahat ng kayamanan
ibinigay sa kanila ng
kanyang biyenan. Sakay ng Rinayong, siya ay naglalakbay kasama ng
kanyang mag-anak.
Nang malapit na sila sa bayang sinilangan, inutos ni Diwatandaw
Gibon na patunugin
ang mga agong sa buong lupain upang ibalita ang kanyang pagdating.
Nagtakbuhan ang
mga taga-Bembaran at inilabas ang lahat ng kanilang mga bandera at
magagandang mga
palamuti at iniladlad ang mga ito. Ang mga bandera at palamuti ay
masayang dinapyuan ng
amihan at ang lahat ng bahay sa daanan at nagpatugtog ng kolintang.
Ginayakan ang isang
tanging silya at dinala sa dalampasigan samantalang sa torogan ay
may itinanghal na mga
pamanang ari-arian na yari sa tanso, pilak at ginto.
Sa pagadaong ng bangka, nagpaputok ng kanyon upang salubungin si
Diwatandaw
Gibon at ang kanyang mag-anak. Pumila ang lahat ng tao sa
dalampasign at sila’y
masayang sumalubong sa Ayonan at sa kanyang magandang asawa at mga
anak. Dinala
nila ang silyang pinalamutian nang magandang tangkongan – para upuan
ni Aya Paganay
Ba’i at binuhat siyang buong ringal at kamaharlikahan papunta sa
torongan.
Tatlong taon ang matuling lumipas sa Bembaran. Isang araw, habang
ang Ayonan
at ang kanyang asawa ay nakaupo sa lamia* namasdan ni Diwatandaw
Gibon n kakaunti
ang mga batang nagsisipaglaro sa bakuran. Naisip niya, na kaawa-awa
na ang isang
maganda at mayamang lugar tulad ng Bembaran ay may kakaunting tao
lamang na
magtatamasa nito? Tinanong niya ang asawa. “Ano ang palagay mo sa
kaisipang ito?
Papayagan mo ba akong mag-asawa ng marami pang mga babae upang
madagdagan ang
populasyon ng Bembaran? Narining ko na maraming mabubuting mga babae
sa
Lombayo’an a Lena, Kodaranyan a Lena, Bagombayan Miyaraday dali’an
at sa Minisalaw
Ganding.”
Nagulat ang prinsesa. Nasabi niya sa sarili na kung nalaman lamang
niya na
binabalak niyang gawin ito, disin sana’’y hindi siya pumayag na
magtungo sa Bembaran.
Malakas niyang sinabi, “Mahal kong asawa, napakahirap kong tanggapin
ang balak mo.
Kung maririnig ng mag-anak ko ang ang iyong kagustuhan na mag-aasawa
ng mga ibang
babae, makakagalitan nila ako at sisisihin tungkol dito. Sa palagay
ko’y magiging mabuti
para sa iyo na ako’y diborsyuhin mo upang malaya mong mapangasawa
gaano man
karaming babae ang gusto mo. Babalik ako sa Minango’aw sa sandaling
payagan mo ako.”
Niyakap ni Diwatandaw Gibon ang asawa at sinabi sa kanya, “Huwag ka
nang mag-
alala. Nagbibiro lamang ako.” Pinangako niya ang asawa at ipinaghele
sa kanyang braso.
Umawit siya ng “pinakamamahal kong kabiyak, huwag kang magalit sa
akin sa pagkabitiw ko ng mga salitang nagbigay pasakit sa iyong kalooban. Alam
ko na nagpalungkot ito sa
iyo, ngunit katungkulan ko bilang isang namumuno na magbalak at
mag-aral at mag-isip
tungkol sa ikauunlad ng kanyang kaharian. Ang mag-isip, ang magbalak
kumilos – ito ang
mahalagang katungkulan ng isang namumuno maging lalaki o babae.
Dapat niyang pag-
aralan ang lahat ng bagay upang matuklasan kung alin ang totoo, alin
ang mali at alin ang
biro lamang.” Nakinig siya sa kanyang mahinang awit at pinakiusapan
niyang ibaba siya sa
malaking panggaw.*
Tinawag ng prinsesa ang kanyang asawa sa kanyang tabi at winika sa
kanyang
asawa, pag-uusapan pa natin ang iyong balak. Sa palagay ko ay tama
ka. Dapat ngang
magkaroon ng maraming nasasakupan ang Bembaran. Makinig ka, kung
kulangin ang
iyong ari-arian sa paghahanda sa kasal sa lahat ng mga babaeng yaon,
sabihin m osa akin
upang makakuha pa ako ng ilang ari-arian ko sa Minango’aw.”
Nang sumunod na araw tinipon ni Diwatandaw Gibon ang lahat ng tao ng
Bembaran
at ipinahayag ang kanyang mga balak. Ang mahiwagang bangkang
Rinamentaw ay
inihanda at pagkatapos matipon ang lahat ng kailangan, sinimahan ng
piling tauhan si
Diwatandaw Gibon sa panliligaw. Una silang nagpunta sa
Kodarangan a Lena para kay Walayin Dinimbangew, sa Bagombayan a Lena
para kay
Walayin Pitagaman, sa Songgaringa a dinar para kay Walayin si
Remotak at sa Minisalaw
Ganding para kay Walayin Mangobabaw.
Kasama ang kanyang mga bagong asawa, bumalik si Diwatandaw Gibon sa
Bembaran at sa sandaling marating niya ang Baroraw a Lena’an ang
lugar ni Pamanay
Masalayon, sa pagitan ng Bembaran at Kadera’an, inutos niyang
patunugin ang mga agong
upang malaman ng lahat ang kanilang pagdating at makapaghanda sa
pagsalubong sa
kanya at sa kanyang mga bagong asawa.
——————————————
* lamia – ang tore ng prinsesa
panggaw – kama
Nang marinig ni Aya Paganay Ba’i ang agong siya’y di mapalagay at
malungkot
sapagkat alam niya ang kahulugan nito. Pinawisan mabuti ang kanyang
mukha. Ngunit
naalala niya ang itinuro sa kanya ng kanyang magulang at gaya ng
isang tunay na
mahinhing babae, tumindig siya at tinawag ang lahat ng mga
kababaihan at mga alipin.
Inutusan ang bawat isa na maglinis at gayakan ang torogan at ang
lahat ng kapaigiran nito.
Naghanda siya ng limang malalaking silid tulugan, pinalamutian ang
mga ito, at hinintay niya
ang pagdating ng asawa.
Dumating ang Ayonan at magiliw na binati ang kanyang asawa at
ipinakilala ang
mga bagong asawa sa kanya. Binati niya sila nang magiliw at
sinalubong sila sa Bembaran.
Kaya ang hari at ang kanyang mga asawa ay nabuhay nang magkakasundo
sa maraming
taon. Buhat sa kanyang limang asawa, nagkaroon ng maraming anak si
Diwatandaw Gibon,
na pawang babae. Sila’y sina Mabolawan Pisigi ng Kadorangan a Lena;
Walayin
Dirimbangen o Mapatelama Olan ng Lambayo’an a Lena; Garugay a
Rawatan ni
Bagombayan a Lena; Romentak a Bolawan ng Sanggiringa a Dinar at
Mapagalong an sirig
ng Minisalaw Ganding.
Pagkatapos mabuhay ng maligaya ng labinlimang taon, tinipon ni
Diwatandaw Gibon
ang kanyang malaking pamilya isang araw at nagsimula siyang magbigay
ng kanyang huling
testamento. Nakaupo sa kanyang silya, nag-atas siya sa kanila.
Sinabi niya sa kanyang
mga asawa na kung ayaw nilang magbalik sa kanilang tahanan
pagkamatay niya, manatili
sila sa Bembaran at pantay-pantay sila ayon sa kapangyarihan ng aya
Paganay Ba’i.
Inamuki niya ang kanyang dalawang anak na lalaki na magpakabuti
sapagkat pagkamatay niya, sila ang papalit sa kanya. Binalangkas niya para sa
kanila ang pagiging mabuting
pinuno.
“Kung makarinig kayo na anumang alitan sa inyong nasasakupan,”
simula niya,
“dapat ninyo itong ayusin sapagkat katungkulan ninyo ito, anyayahan
man kayo o hindi na
ayusin ito. Huwag kayong kakampi sa anumang panig upang ang inyong
pagpapasya ay
maging karapt-dapat. Kung may utang na babayaran at ang isang panig
ay kulang sa
salapi, ibigay ito buhat sa sarili ninyong salapi.
“Mayroon kayong limang kapatid na babae. Pagsapit ng panahon na sila
ay dapat
mag-asawa isangguni ang tungkol dito sa inyong kamag-anak, sa panig
ko at sa panig ng
inyong ina. Huwag kayong makikialam, kahit anuman ang mangyari
hanggat nagkakasundo
ang dalawang panig sapagkat alam nila na kayong dalawa ang huli
nilang daraingan at
hihingan ng kapasyahan.”
“Lagi ninyong ipagtanggol ang mga karapatan ng inyong mga
nasasakupan sa
Bembaran at Minango’aw. Kayo ang kanilang tagapagtanggol at may
karapatan silang
asahan ito sa inyo sapagkat kayo’y aking mga anak.”
“Kung may sinumang magsalita laban sa inyo, kahit sino man sila,
maging dugong
bughaw, mga karaniwang mamamayan, matanda o bata, dayuhan o
katutubo, lalaki o
babae, huwag kayong sasagot kaagad. Isipin munang mabuti ang
bagay-bagay. Kung ito’y
gagawin ninyo, hindi kayo magkakamali. Maging mapagpatawad kayo at
matiyaga. Gayon
man, kung ang pag-insulto ay inulit pa, hamunin ang tao at
ipagtanggol ang inyong
karangalan hanggang kamatayan.”
Ang pamana ko lamang sa inyo ay ang mahahalagang manang-ari at iba
pang ari-
arian. Alagaan ninyo ang mga ito, lalung-lalo na ang torogan, ang
tore, ang bangkang
Rinamentaw, ang tatlong agong, Magindaya a Oray, Rogongan at
Momongano Dayiring.”
Pagkatapos mawika ang mga ito, namatay si Diwatandaw Gibon. Namahala
sa lahat si Aya Paganay Ba’i. Inutos niya na palamutian ang torogan at
pinatugtog sa mga tao ang lahat ng mga agong. Iniutos niyang isabit ang lahat
ng bandera sa paligid ng torogan at sa harap ng bakuran nito. Nagtayo ang mga
tao ng osonan upang ipahiwatig sa lahat ng kalapit na upang dumalo sa libing ng
patay na hari at pinagsabihan rin ang lahat ng kamag-anak ng kanyang limang
asawa.
Pagkalibing sa Ayonan, ipinaayos ang kasal ng kanyang anak na
lalaking si Tominamansa Rogong kay Prinsesa Lalawanan ng Jolo. Pagkatapos ng
kasalan, namuno si Tominaw sa Rogon sa Bembaran na sinusundan ang bakas ng
kanyang ama, ang matalinong Haring Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan a
Bembaran.
No comments:
Post a Comment